PAGLITAW NG LUMANG BAYAN NG PANTABANGAN, PAMBIHIRANG ATRAKSYON

Muling nasilayan sa ikatlong pagkakataon ang lumang bayan ng Pantabangan, Nueva Ecija na kilala sa tawag na Intang.

Ayon kay Pantabangan Tourism Officer Emisonia Gante, ang paglitaw ng lumang bayan ngayong taon ang ikatlo, matapos ito ay unang lumitaw nuong 1983, sumunod nuong 2014.

Nagtrending sa social media ang mga posts ukol dito, kaya’t agad na dinayo ng mga lokal na turista ang nasabing lugar upang makita nang personal. Ang iba naman ay gumagawa ng blog tungkol dito.

Sa kabila ng pandemya dulot ng Covid19, biglaan ang pagpunta ng mga tao sa lugar. Ani Gante, kanila pa ring ipapatupad ang mga protocols kaugnay sa pag-iingat tulad ng pagsusuot ng facemask at physical distancing, ganun na rin ang pagsusuot ng life vest kung sasakay ng bangka patungo sa mismong lumang luwasan.

Matibay aniya, ang materyales na ginamit sa mga inprastraktura noon kayat hanggang ngayon ay nananatili pa rin ang ilang bahagi ng lumang simbahan, lumubog na munisipyo at maging ang dating mga libingan.

Nagkwento naman sa DWNE News Team si Ciriaco L. Bagsic, Barangay Administrator sa Brg. West Poblacion, Pantabangan, sa kasaysayan ng lumang bayan.

Samantala, ang pagbaba ng tubig sa dam ang dahilan sa paglitaw muli ng lumang bayan ng Pantabangan. Ayon kay William Ponce, manager ng Pantabangan Dam, wala pa sa kritikal na level ang dam kayat wala pa umanong negatibong epekto ito sa serbisyong patubig. Aniya, kailangang umabot sa 171.5 meters bago ito matawag na critical level.

Ngayong araw, July 27, 2020, naitala naman ang pinakamababang water level sa buwan ng Hulyo na bumagsak na sa 175.86 metro ayon sa ulat ng DOST –PAGASA.

Plano nilang humiling sa Bureau of Soils at Air Force upang makapagpa-cloud seeding habang wala pang mga pag-ulan na magbibigay ng karagdagang tubig sa dam.

6 komento:

amangpintor
amangpintor:
thanks sa feature ng bayan namin.. for more info sa history also watch this video
https://www.youtube.com/watch?v=iVJsl4tuukI&list=PLE1C0F15DD7869FE3&index=3&t=9s
Lady Anne Canlas
Lady Anne Canlas:
Proud Pantabangeño here🖐️
jhilleane Gonzales
jhilleane Gonzales:
Mganda sna mpankinggan ung istorya ng lumang bayan s pantabangan dam gya ng cnsbi ng mga ini interview kso ms mlkas p ung background music kya ndi maintindihan ung cnsbi.
fhemzhon love
fhemzhon love:
Ganda sa bayan namin
alvin donasco
alvin donasco:
Sino ba itong nakaitim na panay ang salita.. Walang kwenta.. Sakit sa tenga
Christian Ramos
Christian Ramos:
Ginawa ng pangulong marcos yan pantabangn dam dahil sa pangangailangan ng tao sa metro manila ...dahil sa kakapusan ng tubig sa pag dating ng panahon...alm nyng dadame ang tao sa panahon natin kaya isingawa ang proyekto nayn..sayang lang kase imbis na taong bayan ang nakikinbng ngyun dahil gobyerno ang nag pagawa mula sa kaban ng bayan ay mga onligarko ang nag mamanipola ngyun ...ng mga yn samantlng yamn ng taong bayan ang source na gina gamit nila ang tubig ...pinoseco lng ng mga onligarco ayn na manipolado na nila ang tubg na likas yamn ng bayn ...